Lunes, Pebrero 20, 2012

AN ENGINEER REPLIES ni Ben Buenaventura

 "In engineering, I am told:
There is prestige, there is honor,
 and above, all there is MONEY."
                       Ang pagiging engineer ay isang malaking prestihiyoso sa isang tao kasi alam ng lahat na kapag engineer ka mayaman ka at di ka mamomoblema sa pera kung kinakailangan. Malaking bagay talaga ang pagiging engineer kasi isa yung titulo na ikakabit sa iyong pangalan kapag ikaw ay nakapasa sa board exam.



                     Bago maging engineer marami kang dadaanang pagsubok para malaman kung matatag ka at hindi ka susuko. Wala namang bagay na madali kaya kung gusto mo talagang pumasa mag-aral ka ng mabuti. Ang daming subject na mahihirap na kailangan mong daanan para maging engineer ka tulad ng Chemistry, Physics at Math halos lahat computation iniisip ko palang yung mga formula nakakahilo na kasi ang dami. Katulad ng sinabi ng awtor sa tula " someday, I will be an Albert Einstein, Someday, I will be a Makati executive." sinasabi dito na magiging si Albert Einstein siya na matalino na kaya niyang masagot lahat ng mga tanong sa Physics, Chemistry at Math.at magiging executive siya sa isang company sa Makati.



                     Mahirap talaga ang pagiging engineering students hindi mo akakalain na ganun ang mga mangyayari at hindi mo malalaman kung papasa ka o hindi. Di biro ang kurso na engineering ang daming puyat kakagawa ng mga plastes, assignments, reports, at pagrereview pag may exam kinabukasan. MAHIRAP!!! yun lang masasabi ko.


                      Sinasabi dito na bakit laging may mga traffic sa araw-araw dahil ba maraming jeep sa kalsada o dahil dapat kokonti lang ang kotse. Sinabi niya sa tula na sino ang may karapatan sa lupa ang may-ari na ang hawak lamang ay isang kapirasong papel o yung mga taong nagpapakahirap para umunlad ang lupa.



                      Lagi niyang sinasabi na ang engineering ay napaka hirap, mas mahirap pa sa pagkakaroon ng girlfriend na laging nakabantay sayo. Naikwento niya rin dito na pumitas siya ng bulaklak sa Quiapo para sa isang tao kasi hindi niya kayang bumili ng mamahaling bulaklak at kumakain siya sa isang turu-turo at iniisip nalang niya na kumakain siya sa shakey's.



                      May mga pangarap siya na gusto niyang matupad kaya siya naghihirap na mag-aral ng mabuti. Sa lahat ng mga paghihirap na ating nararanasan sa pangaraw-araw may mga araw din na makakaranas din ng tagumpay. Kahit ang mga pangarap natin ay mahirap abutin dapat magkaroon tayo ng lakas ng loob na abutin iyon walang imposible sa taong matiyaga. Kahit mahirap makakaya natin ito walang bagay na madali kaya kailangan magtiyaga para umunlad ang buhay.



                      Katulad ko, isa akong engineering students sa una mahirap pero sanay na ako ngayon. Nag-aaral ako ng mabuti para makamtan ko ang mga pangarap ko a buhay at para matulungan ko ang mga magulang ko. "Masarap ang may tinapos" sinabi ni nana sa akin kaya nag-aaral ako ng mabuti para makatapos ako ng pag-aaral. Masarap ang maging engineer kasi malaki ang sweldo, at ilalagay sa pangalan mo yung titulo na iyon halimbawa "Engr. Louie Guballa" ganda di ba :D ang saya!:) . Kaya mag-aral tayo ng mabuti para magkaroon tayo ng magandang buhay.  


                     MAHIRAP ito sa una pero pag nakatapos na tayo at nagkaroon na ng magandang trabaho MASARAP na!