Sabado, Disyembre 31, 2011

Reflection sa kantang Magkabilaan ni Joel Ayala



   " Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman sa init
Kapag nawala ang isa, ang isa’y di mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid.

Magkabilaan ang mundo magkabilaan
Ang mundo magkabilaan ang mundo."



Itong kanta ni Joey Ayala nagpapakita ng pagkokontra ng dalawang bagat\y sa mundo katulad ng tubig at apoy, araw at gabi, lamig at init atbp. Lahat ng bagay ay mayroon mga kasalungat. pati ang mga tao ay mga kasalungat sa ating lipunan katulad ng ating Pangulo and dami niyang kritiko lagi siyang sinasalungat sa mga desisyon na ginagawa niya at sa mga batas na binubuo. Walang tao ang nabubuhay na walang kasalungat sa buhay.



Ang kantang ito ay nagiging mukha ng ating lipunan na ang katotohanan ay may dalawang mukha hindi mo malalaman kung ito'y makakabuti o makakasama siya sa ating lahat. Tapos ang mga tama naman ay mali sa iba, kay dami talagang kumokontra sa mga desisyon na ginagawa mo.



Maganda ang kantang ito kasi napag-iisip ka talaga ng mabuti at parang naliliwanagan ka sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating bansa. Dito'y natututo kang maging maingat sa mga ginagawa para maiwasan ang pagkasalungat sa mga desisyong ginagawa mo. 



Lahat talaga ng bagay sa mundo ay may kasalungat!!!

Biyernes, Disyembre 30, 2011

Bagong Taon ng mga Pilipino



                  " Bagong Taon ay magbagong buhay nang lumigaya ang ating bayan 
Tayo'y magsikap upang makamtam natin ang kasaganaan."



Ang Bagong Taon sa Pilipinas ay bukod tangi at kakaiba kumpara sa ibang bansa. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng paniniwala at tradisyon. Isang paraan ng pagdiwang ng Bagong Taon sa Pilipinas ay ang pagsasabog ng paputok, kahit ilang araw bago magbagong taon.  Ang pagsabog ng mga paputok ay nagbibigay daw ng swerte sa mga tao na nagpapaputok nito, pinapaalis nito daw ang "MALAS' na pwedeng dumating sayo. Pero ang iba naman para sa kanilang personal na kasiyahan kaya sila nagpapaputok, pagnakita nila ito na umiilaw  sa kalangitan parang nababawasan o nawawala ang kanilang  mga problema na nangyari sa nakaraang taon. 


Sa hating gabi, bago mag bagong taon, ang mga pamilya sa Pilipinas ay nagtitipon-tipon at sabay-sabay kumakain sa paniniwala ng pagkakaroon ng mas maraming pagkain sa darating na taon. Ang mga kabataan ay tumatalon ng 12 na beses sa paniniwala na tataas sila sa darating na bagong taon.



Ang mga Pilipino ay naniniwala na ang paglalagay ng mga makukulay at bilog na prutas tapos ang pagsusuot ng damit na may mga bilog bilog na mga disenyo ay nagdadala ng swerte dahil ang mga ito ay sumisimbolo na pera. Yung paghahagis ng barya sa loob ng bahay para pumasok ang swerte sa inyo. 



Lahat ng mga Pilipino ay nagsisimba sa pagsapit ng bagong taon para magpasalamat  sa panibagong taon na binigay ng Diyos sa atin . 



WALA na talagang tatalo sa Bagong Taon ng mga Pilipino :) THE BEST :)
iba talaga ang mga PINOY!!!