Sabado, Disyembre 31, 2011

Reflection sa kantang Magkabilaan ni Joel Ayala



   " Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman sa init
Kapag nawala ang isa, ang isa’y di mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid.

Magkabilaan ang mundo magkabilaan
Ang mundo magkabilaan ang mundo."



Itong kanta ni Joey Ayala nagpapakita ng pagkokontra ng dalawang bagat\y sa mundo katulad ng tubig at apoy, araw at gabi, lamig at init atbp. Lahat ng bagay ay mayroon mga kasalungat. pati ang mga tao ay mga kasalungat sa ating lipunan katulad ng ating Pangulo and dami niyang kritiko lagi siyang sinasalungat sa mga desisyon na ginagawa niya at sa mga batas na binubuo. Walang tao ang nabubuhay na walang kasalungat sa buhay.



Ang kantang ito ay nagiging mukha ng ating lipunan na ang katotohanan ay may dalawang mukha hindi mo malalaman kung ito'y makakabuti o makakasama siya sa ating lahat. Tapos ang mga tama naman ay mali sa iba, kay dami talagang kumokontra sa mga desisyon na ginagawa mo.



Maganda ang kantang ito kasi napag-iisip ka talaga ng mabuti at parang naliliwanagan ka sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating bansa. Dito'y natututo kang maging maingat sa mga ginagawa para maiwasan ang pagkasalungat sa mga desisyong ginagawa mo. 



Lahat talaga ng bagay sa mundo ay may kasalungat!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento