Lunes, Enero 2, 2012

Takaw-Oras

December 19, 2011-  Nagising ako ng alas otso ng umaga dahil sa kaingayan ng aking cellphone kasi nag-alaram ako para maaga magising. Niligpit kuna kaagad ang aking higaan at pagkagising ko nakita ko ang aking mga magulang na gumgayak at aalis sila para pumunta sa Baclaran at mamili doon ng panindang damit na ibebenta namin sa mga tiangge



Umalis na ang aking mga magulang at ako nalang ang natira sa aming bahay. Naglinis-linis muna ako ng aming bahay at ng matapos iyon pinakain at pinaliguan  kuna ang aming mga alagang baboy. Naalala ko bigla na may Christmas party nga pala ang buong klase ngayong araw na ito kaya'y nagmadali ako kasi ang usapan namin ay alas diyes ng umaga. Pero alas nuebe trenta na kaya'y tinext ko ang aking mga kaklase na susunod nalng ako sa kanila at tinext ko din si Cess na sabay kami papunta sa bahay ng aking kaklase kung saan gaganapin ang aming party. 



Nag linis-linis ulit ako kasi may mga konting duming natitira pa. Sinabi ko kay Cess na bago mag alas dose kami magkita. Gumayak na ako kumain muna ako ng tanghalian, naligo, nagsipilyo at nagbihis ng damit. Mga alas onse trenta ako umalis sa aming bahay nag-abang ako ng tricycle na papuntang municipio. Yun nakarating na ako dun bago mag alas dose pero wala pa siya kaya'y umupo muna ako para hindi ako mangawit sa pagkakatayo. 



Alas dose na wala pas siya txt ako ng txt hindi siya nagrereply. Kaya napipikon na ako konti nun nagtxt na siya na papunta na siya kasi daw traffic kaya matatagalan daw. Kaya hinintay ko pa siya doon pero lumipas na ang mga oras wala pa siya at ang dami ng jeep ang mga umaalis at dumadating na patungong Malolos. Naasar na ako nun kasi ano pa ba maabutan namin doon ehh ang usapan alas diyes ng umaga tapos pupunta na akmi mga hapon na.



Sinabi ko na nga sak kanya na uuwe na ako kasi naiinip na ako at may lakad pa akong pupuntahan pagkatapos nu pero kawawa naman siya nagmamakaawa siya sakin na wag daw muna ako umuwe kasi wala daw siyang kasama kaya hinintay ko pa siya ng ilang segundo, minuto at oras. GRABE!!!!!! kasi alas kwatro na siya dumating.GRABE!! >.< yun di ba?? apat na oras ako naghintay ang init pa naman sa kinuupuan ko. Dahil pinaghintay daw niya ako nilibre niya ako ng pamasahe sa jeep( dapat lang yun!!!). Nakalakad na ata kami mga alas kwatro trenta nun kasi naghintay pa ng mga pasahero. Eh pagdating namin sa Bocaue traffic pa kaasar diba?? sawakas nawala na din ang taffic at nasa NLEX na kami. Bumaba kami sa Tabang at sumakay pa ng isa jeep pauntang Sta.Rita. 



Nakarating kami doon ng mag aalas sais. Kumain kaagad kami pagdating kasi  gutom na ako eh dahil sa paghihintay. 
Mga alas syete na kami umalis doon at nakauwe ako ng alas otso ng gabi tapos nagsimbang gabi na ako nun.
KAPAGOD!!! hay! -_-

Linggo, Enero 1, 2012

Reflection sa kantang Babae ni Inang laya

   Ang kantang Babae ni Inang Laya ay nagpapaliwanag ng pagiging mahina  ng mga kababaihan at hindi daw sila marurunong lumaban at lagi silang naapi. 


Sa ating lipunan lagi nalang sinasabi na ang mga kababaihan ay mahihina, wala ng ibang alam kundi mag-asikaso ng pamilya. Sadyang kay saklap talaga ng buhay kasi lagi nalang na eetsepwera ang mga kababaihan kahit ginagawa nila ang lahat para ipakita na kaya nilang gawin ang mga ginagawa ng mga lalaki.


Kay ganda ng mensahe na nakapalood sa kanta na ito kasi kailangan na talagang gisingin sa katotohan ang mga kababaihan, purkit ba sila'y mapupurok sa lahat ng bagay pinapakita nila na kaya pa nila tiisin ang mga problema na dumating at dadating sa kanilang buhay. Dapat ang kanilang isipan ay buksan at pag-aralan ang kanilang lipunan para mahubog pa ang kanilang mga kaisipan na makakatulong sa kanila na umunlad. Yan na ba talaga ang mga kapalaran ng mga kababaihan??? Na laging silang inaapi kailangan nilang lumaban at ipagtanggol ang kani-kanilang karapatan bilang tao. Purkit ba sila'y may asawa na kailangan nasa bahay lang sila para alagaan ang kanilang mga anak. Sila'y may pinag-aralan din at kailangan nialng gamitin ang mga iyon para hindi manlang masayang ang kapaguran ng mga magulang nila para pag-aralin sila. LAHAT sa mundo na nabubuhay ay may karapatan na gawin ang mga bagay-bagay na gugustuhin nila na hindi makakasakit sa kanilang kapwa.


Dapat wag silang matakot at  tularan nila dapat sina Gabriela Silang,  Teresa at Tandang Sora na lumaban para sa kanilang kalayaan, kaya'y dapat ang mga kababaihan lumaban sa kanilang karapatan at wag matakot sa mithiin nila na  makalaya.


Lahat ay pantay-pantay kung wala ang mga kababaihan wala tayong LAHAT dito. Kaya mahalin ang ating mga ina sila ang nagbigay satin ng buhay at nagdala satin ng siyam na buwan sa kanilang sinapupunan.