Sa ating lipunan lagi nalang sinasabi na ang mga kababaihan ay mahihina, wala ng ibang alam kundi mag-asikaso ng pamilya. Sadyang kay saklap talaga ng buhay kasi lagi nalang na eetsepwera ang mga kababaihan kahit ginagawa nila ang lahat para ipakita na kaya nilang gawin ang mga ginagawa ng mga lalaki.
Kay ganda ng mensahe na nakapalood sa kanta na ito kasi kailangan na talagang gisingin sa katotohan ang mga kababaihan, purkit ba sila'y mapupurok sa lahat ng bagay pinapakita nila na kaya pa nila tiisin ang mga problema na dumating at dadating sa kanilang buhay. Dapat ang kanilang isipan ay buksan at pag-aralan ang kanilang lipunan para mahubog pa ang kanilang mga kaisipan na makakatulong sa kanila na umunlad. Yan na ba talaga ang mga kapalaran ng mga kababaihan??? Na laging silang inaapi kailangan nilang lumaban at ipagtanggol ang kani-kanilang karapatan bilang tao. Purkit ba sila'y may asawa na kailangan nasa bahay lang sila para alagaan ang kanilang mga anak. Sila'y may pinag-aralan din at kailangan nialng gamitin ang mga iyon para hindi manlang masayang ang kapaguran ng mga magulang nila para pag-aralin sila. LAHAT sa mundo na nabubuhay ay may karapatan na gawin ang mga bagay-bagay na gugustuhin nila na hindi makakasakit sa kanilang kapwa.
Dapat wag silang matakot at tularan nila dapat sina Gabriela Silang, Teresa at Tandang Sora na lumaban para sa kanilang kalayaan, kaya'y dapat ang mga kababaihan lumaban sa kanilang karapatan at wag matakot sa mithiin nila na makalaya.
Lahat ay pantay-pantay kung wala ang mga kababaihan wala tayong LAHAT dito. Kaya mahalin ang ating mga ina sila ang nagbigay satin ng buhay at nagdala satin ng siyam na buwan sa kanilang sinapupunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento